Friday, September 29, 2023

Sa Mata ng Bata

Kinalakhang lugar sa kultura ay mayaman,

Kulturang nabibigay daan tungo sa kaunlaran.

Masayahing mamamayan iyong masisilayan,

Na tanging hangad lang ay mapayapang lipunan.

 

Ito ay lugar na puno ng pag-asa at buhay,

Lugar kung saan mundo ay makulay.

Sumigla at umusbong bigla ang komersyo,

At ito’y naging tahanan na ng maraming tao.

 

Biglang gumulo, masayang mundo ko,

Iba’t ibang kaugalian, iba’t ibang tao.

Sa bigla paglobo ng bilang ng mamamayan,

Di ko namalayan, dumami na ang aking kaibigan.

 

Sa mundong may bahid ng politika at droga,

Kung saan maraming buhay na ang nasira.

Ang lugar na ito ay nananatiling masaya at payapa,

Kaaya-ayang tahanan sa mata ng bata.


Sa Mata ng Bata

Kinalakhang lugar sa kultura ay mayaman, Kulturang nabibigay daan tungo sa kaunlaran. Masayahing mamamayan iyong masisilayan, Na tangi...